Monday, September 15, 2008

Ang Awit ni Maria Clara - Dr. Jose Rizal

Ang Awit ni Maria Clara - Dr.Jose Rizal

Ang tulang ito'y matatagpuan sa Noli Me Tangere ang inawit ni Maria Clara, kaya gayon ang pamagat. Ito’y punung-puno ng pag-ibig sa bayang tinubuan.

Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.

Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya’y yapusin,
Pati mga mata’y ngumigiti mandin.

Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,
Doon sa kasuyo ang abot ng araw;
Kamatayan pati ng simoy sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.

No comments: